Leni supporters sa Marcos caravan: ‘Magnanakaw, magnanakaw, magnanakaw’



NAGSISIGAW ng magnanakaw ang mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo habang dumadaan ang caravan ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Talisay City ngayong Miyerkules.

Nakasalubong ng caravan ni Marcos ang mga nakasuot ng pink na mga nagsasagawa rin ng kampanya.

Habang dumadaan si Marcos, nagsisigaw ang mga tagasuporta ni Robredo ng “magnanakaw.”

Idinaos naman ng proclamation rally ng UniTeam sa Reclamation Area sa Bacolod City matapos ang motorcade.

Samantala, kinansela ng UniTeam ang nakatakda sana nitong campaign sortie sa Antique dahil sa paghaharap nila ni Robredo doon.

“The caravan-cum-rally which was set for February 24, 2022 by the BBM-Sara UniTeam in Binirayan Sports Complex, San Jose De Buenavista in the province of Antique was not cancelled. It was reset to another date,” sabi ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

“We decided to adjust our schedule to a later date in the spirit of peace and unity,” aniya.