29 mayor ng Negros Occidental suportado Marcos-Sara tandem

NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang 29 sa 31 alkalde sa Negros Occidental sa tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte para sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ayon kina Moises Padilla Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo at Negros Occidental Rep. Marilou Arroyo na dumalo sa pakikipagpulong kina Marcos at Sara sa Bacolod City ang lahat halos ng mga mayor.

Si Arroyo ay hipag ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa naturang pulong na dinaluhan ng mga mag-aasukal, tiniyak nina Marcos at Duterte ang suporta para sa mga lokal na industriya ng asukal.