Lasing gustong makita ang anak, umakyat ng tower

UMAKYAT sa tower ng isang radio station sa Legazpi City, Albay ang 40-anyos na lalaki sa pagnanais umano na makita ang bunsong anak.

Ayon sa ulat, bumaba ang lalaki makaraan ang dalawang oras na negosasyon sa mga pulis.

Bago dalhin sa pagamutan ay ipinakita sa lalaki ng kanyang asawa ang kanilang anak.

Wala nang ibinigay na detalye ang mga otoridad ukol sa pinagdadaanan ng lalaki.