ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos ang abogadong si Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. has appointed lawyer Lorenzo ‘Larry’ G. Gadon as Presidential Adviser for Poverty Alleviation. His appointment reflects the government’s commitment to address one of the most pressing challenges faced by our nation,” ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office nitong Lunes.
Matatandaan na si Gadon ay sinuspinde ng Korte Suprema dahil sa “verbal assault” nito laban sa isang journalist. Nakilala rin ito dahil sa kanyang mga pagmumura at pang-iinsulto sa mga grupo at inidibidwal na bumabatikos sa dating Pangulong Duterte.
Tumakbo si Gadon noong nakaraang eleksyon sa pagkasenador ngunit natalo.