Langit magliliwanag sa ‘supermoon’

TITINGKAD ang kalangitan ngayong araw sa ilang panig ng mundo sa paglabas ng mas malaki at mas maliwanag na buwan.


Ayon sa Pagasa weather bureau, lumilitaw ang “supermoon” tuwing lumiligid nang mas malapit sa mundo ang buwan kapag kabilugan nito.


Mas malaki ng 14 porsyento at mas maliwanag ng 30 porsyento ang “supermoon” kumpara sa karaniwang full moon, dagdag nito.


Inaasahang makikita nang husto ang supermoon alas-11:32 ng umaga (oras sa Pilipinas) sa ilang panig ng mundo.


Pinabulaanan naman ng Pagasa na magkakaroon ng pagtaas ng tubig-dagat, lindol at pagsabog ng bulkan sa paglitaw ng “supermoon”.