NILAGYAN ng tubo para makahinga si dating Pangulo Joseph Estrada, na nakikipaglaban sa Covid-19, dahil lumala ang kanyang pneumonia, ayon sa anak niyang si dating Sen. Jinggoy Estrada.
Ani Jinggoy, dinala sa ICU at ginamitan ng ventilator ang dating presidente Lunes ng gabi para makahinga ito nang maayos. Normal naman ang mga vital signs ng kanyang ama, dagdag niya.
“Ako’y nananawagan pa rin na sana po, dagdagan pa rin niyo po ang dasal para sa aking ama at para sa kaniyang agarang paggaling,” ani Jinggoy.
“My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle,” sabi niya.
Sinegundahan naman ito ng kapatid niyang si dating Sen. JV Ejercito.
“Your prayers would mean a lot,” sabi ni JV sa post sa social media.
Kwento niya: “My dad was recuperating very well the past few days when suddenly it shifted yesterday when his pneumonia worsened, thus the need to use a ventilator.”
Matatandaang nagpositibo sa Covid-19 si Estrada noong isang linggo.