WALANG dapat ipag-alala ang publiko sa ngayon ay trending na balita tungkol sa pagdugo ng labi at gilagid ni Pangulong Bongbong Marcos habang ito ay nagtatalumpati sa Araw ng Kagitingan nitong Miyerkules.
Trending ang video clip ni Marcos kung saan kitang-kita ang pagdugo ng gilagid nito habang nagtatalumpati sa Camp General Emilio Aguinaldo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan.
Ngunit inihayag ng Palasyo nitong Huwebes na hindi dapat mag-alala ang publiko sa kalagayan ng pangulo dahil OK pa rin ang kalusugan nito.
“Nothing to worry po… Kaka-meeting lang po namin kaninang umaga… Wala naman po akong nakikitang hindi maayos ang kalusugan niya,” pahayag ni Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro.