Laban, bawi: 7 senador iniatras pirma sa Adolescent Pregnancy Act

BINAWI ng pitong senador ang kanilang suporta sa Senate Bill 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act, matapos itong kuwestyunin ng ilang grupo.

Sa sulat kay Senate President Francis Escudero, sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang kanyang desisyon na umiwas muna sa nasabing panukala upang bigyang pansin ang mga concerns na inilahad na iba’t ibang organisasyon laban dito.

“I arrived at this decision after I have carefully evaluated the sentiments and grave concerns of various private organizations that have expressed strong opposition to the proposed legislation,” ani Estrada.

Ganito rin ang naging pahayag ni Senador Ramon Revilla Jr.

“While I remain committed to addressing critical issues like adolescent pregnancy, I believe certain aspects of the proposed legislation require further alignment with my advocacies and the interests of our constituents,” ani Revilla sa hiwalay na sulat kay Escudero.

Inihayag din ni Senador Nancy Binay ang kanyang reserbasyon sa naturang panukala.

“Syempre as a mother, concern ko din yung baka hindi nga talaga age-appropriate ang tinuturo sa ating mga kabataan. And at the same time, I also agree that talagang may problema tayo sa teen pregnancy. But siguro kailangan pag-aralan. Will this bill really solve the problem,” ayon kay Binay.

Hirit naman ni Senador Cynthia Villar na baka kailangan pa ng dagdag na konsultasyon.

“This decision does not signify a rejection of the bill’s objectives but is a gesture of respect for the concerns raised,” anya.

Pahayag naman ni Senador JV Ejercito na kailangan pa niyang pag-aralan itong mabuti bago aprubahan.

“Ito ay para maalis ang anumang maling pananaw at maitama ang mga bahaging maaaring magdulot ng kalituhan o pag-aalala,” paliwanag nito.

Binawi rin ni Senador Loren Legarda at Bong Go ang kanilang mga lagda sa panukala.

Sa kabila ng ginawang pag-atras, sinabi naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, na siyang principal author ng bill, may mga disinformation umanong nangyari kung bakit tila “napapangit” ang kanyang panukala.

“Having expressed this, with the consent of the body and after discussions with the Senate President, who I am very grateful to for allowing this space for discourse, I am filing an amendment by substitution that seeks to address the objections in the bill,” ani Hontiveros.

Umaasa naman umano siya na sa kabila nang pagbawi ng pirma ng kanyang mga kasamahan ay hindi maaapektuhan ang pagsusulong sa panukalang batas lalo na’t nasa period of amendments na ito.