HINDI nalalaglag sa listahan ng “magic 12” ang celebrity na si Willie Revillame.
Ito ay matapos lumabas ang pinakabagong resulta ng survey ng Pulse Asia para sa mga tumatakbong senador sa darating na May elections na isinagawa mula Enero 18 hanggang 25.
Nasa ika-9 na pwesto si Revillame na pambato ng dating administrasyon.
Pasok din ang dalawa pang kaalyado ng mga Duterte sa magic 12 — ang mga reelectionist na sina Bong Go na nasa ikalawang pwesto at Bato dela Rosa na nasa ika-10 pwesto naman.
Samantala, hindi pa rin matinag sa unang pwesto si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo. Ang kapatid nitong si Ben ay nasa ika-apat na pwesto naman.
Narito ang listahan ng top 12 na senatorial bets:
1. Rep. Erwin Tulfo, 62.8 percent (solo rank)
2. Sen. Bong Go, 50.4 percent (2-3)
3. Former Senate President Tito Sotto, 50.2 percent (2-4)
4. Ben Tulfo, 46.2 percent (3-8)
5. Sen. Pia Cayetano, 46.1 percent (4-8)
6. Sen. Bong Revilla, 46 percent (4-8)
7. Imee Marcos, 43.3 percent (4-12)
8. Ping Lacson, 42.4 percent, (4-12)
9. Willie Revillame, 41.9 percent (7-13)
10. Bato dela Rosa, 41.2 percent (7-14)
11. Abby Binay, 41.1 percent (7-14)
12. Manny Pacquiao, 40.6 percent (7-14)
Laglag naman sa ika-13 pwesto si Camille Villar at ika-14 si Senador Lito Lapid.
Wala rin sa magic 12 ang dalawang pambato ng oposisyon na sina dating Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino.