KUMPIYANSA si Pangulong Bongbong Marcos na hindi na mauulit ang naranasang krisis sa bigas noong 2018 matapos magbabala ang isang grupo ng mga magsasaka na posibleng maulit ito.
Gayunman, inamin ni Marcos na ninipis ang suplay ng bigas ngunit hindi anya ito magiging dahilan para sumuong sa krisis ang bansa.
“No. I don’t think so. There is a chance na ninipis talaga ‘yung supply because nga nung magkasabay-sabay ‘yan. So we are watching and waiting to see what the production levels are going to be after the last planting season before the harvest, for the upcoming harvest and what will be,” sabi ni Marcos.
Nauna nang nagbabala si Federation of Free Farmers (FFF) National Manager Raul Montemayor na maaaring maulit ang nangyaring kakulangan sa harap ng pagmahal ng bigas at pagnipis sa suplay.
“Basta’t nag-harvest na tayo. Pagka umani na tayo, walang problema sa supply. It’s precisely as you mentioned. It is in the dry part where we are waiting for the last planting to be harvested. So ‘yun ang tinitingnan natin. We may have to import. So that’s — we’re keeping that option open,” dagdag ni Marcos.