Kita sa gaming industry sumipa sa ₱104B sa Q1 — PAGCOR

UMABOT sa ₱104.12 bilyon ang kinita ng Philippine gaming industry sa unang tatlong buwan ng 2025, mas mataas ng 27.44% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ito ay hudyat ng malaking pagbabago sa industriya matapos lampasan ng electronic gaming ang licensed casinos sa pagiging pangunahing pinagkukunan ng kita.

“The E-Games and E-Bingo segment made history by becoming the industry’s top revenue driver for the first time, contributing ₱51.39 billion or 49.36 percent of the total first-quarter GGR,” ani PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco.

“This represents not just revenue growth but how consumer behavior continues to shift towards digital, on-demand gaming experiences, accelerated by greater access to mobile technology,” dagdag niya.

Binanggit din ni Chairman Tengco na malaki ang naging epekto ng paglago ng E-Games sa pagbabago ng mukha ng Philippine gaming industry.

“As digital platforms take center stage, the Philippine gaming industry is likewise undergoing a paradigm shift. Hence, our goal as a regulator is to strike the right balance between innovation, player protection and long-term industry sustainability,” aniya.

Samantala, ang licensed casinos na dating nangingibabaw sa kita ay nakalikom ng ₱49.28 bilyon o 47.32% ng kabuuang GGR sa Q1.

“While there was a minimal dip in revenues from licensed casinos compared to last year due to growing digital competition, this segment shows sustained strength and relevance,” paliwanag ni G. Tengco.

Aniya, nananatiling mahalaga ang land-based gaming sa katatagan ng industriya, lalo na sa mga lugar na dinarayo ng turista gaya ng Entertainment City at Clark.

Bukod dito, nakapag-ambag din ang mga casino na pinatatakbo ng PAGCOR ng ₱3.45 bilyon o 3.31% sa kabuuang kita sa gaming industry ngayong Q1.