‘Killer highway’ sa Pangasinan ipapa-bless

DAHIL sa sunod-sunod na aksidente na nagaganap doon, isang kalsada sa Brgy. Bued sa Calasiso, Pangasinan ang nakatakdang pabasbasan sa pari.

Ayon sa barangay, tatlo na ang nasawi sa naturang kalsada nitong Mayo dahil sa mga aksidente.

Nito lang Mayo 17, tatlo ang nasugatan sa salpukan ng truck at tricycle sa nasabing kalye.

Noong Mayo 13, nasawi ang tricycle driver nang suwagin ng kotse ang kanyang minamaneho.

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa mga motorista na laging mag-ingat sa pagmamaneho sa lugar.

“Mahirap talaga, linggo-linggo na ang aksidente sa amin — konting ingat at tignan natin palagi ang tatawiran natin,” ayon sa isang opisyal ng barangay.