Kelot nilukuban ng ‘evil spirit’, nag-amok, todas sa parak

DEAD-on-the spot ang helper sa karinderya makaraan itong mag-amok at habulin ng saksak ang isang pulis sa Dumaguete City, Negros Oriental noong Huwebes, Agosto 9.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ang helper, isang Alejandro, 44, na agad niyang ikinasawi.

Bago ito, hinamon ni Alejandro ng away ang kasamahan sa eatery na matatagpuan sa Brgy. Tabuc-tubig.

Humingi ng tulong ang ibang empleyado nang mangharabas ng patalim ang lalaki. Imbes na sumuko, hinabol ni Alejandro ang isa sa mga rumespondeng pulis kaya napilitan ang huli na paputukan siya.

Sa isang panayam, sinabi ng mga katrabaho ng nasawi na bago ito nag-amok ay sinasabi nito sa sarili na hindi niya papayagan na lukuban siya ng masamang espirito.

Napag-alaman na dating gumagamit ng droga ang lalaki.