Kelot kinatay sa away sa longganisa

SINAKSAK at napatay noong Linggo sa Tondo, Maynila ang 24-anyos na lalaki ng kapitbahay na nagbenta sa kanya ng nakaw na longganisa ilang buwan na ang nakararaan.

Nasawi si Jester Mullet ng Brgy. 128 habang itinatakbo ang sarili sa pagamutan. Nagtamo siya ng tatlong saksak sa katawan.

Sumuko sa pulisya ang hindi kinilalang salarin makaraan ang pagpatay. Nahaharap siya sa kasong murder.

Ayon sa imbestigador, naglalakad si Mullet noong Linggo ng gabi nang lapitan at saksakin ng suspek.

Nagawa pang makasakay ng tricycle ng biktima pero hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.

Napag-alaman na matagal nang may alitan ang suspek at ang biktima makaraang bentahan umano ng huli ang una ng nakaw na longganisa.

“Dahil sa longganisa yun, longganisang nakaw niya tapos binenta niya sa akIn. Tinuro niya sa may-ari na ako ang nagnakaw. Sinabi ko sa may-ari na hindi ako ang nagnakaw, siya,” sabi ng suspek.