Kawatan sa viral video timbog

NADAKIP na ng pulisya ang lalaking nag-viral makaraang tangkaing itakbo ang cellphone ng isang mallgoer sa Cebu.

Inamin ng suspek na si Jeffrey Cabreros ng Brgy. Carreta, Cebu City na siya nga ang nasa video.at sinabing kinuha niya ang cellphone para may maipambili ng school supplies ng mga anak.

Naispatan ng mga pulis si Cabrenos habang paggala-gala sa Sitio Mayahay sa Brgy. Carreta alas-10 ng gabi noong Sabado.

Nang lapitan, nakilala ng mga alagad ng batas si Cabreros bilang lalaki sa viral video.

Nakuha sa suspek ang hindi-lisensyadong baril at P69,000 halaga ng shabu.

Sa presinto, inamin ni Cabrenos na siya ang dumukot sa cellphone ng isang babae sa arcade sa mall sa North Reclamation Area (NRA) sa Cebu City.

Naispatan naman siya ng biktima kaya ibinalik niya ang cellphone. Maririnig sa video na humihingi ng paumanhin ang suspek sa ginawa.

Ayon sa pulisya, nakulong na rin dati ang suspek sa pagnanakaw. Inamin ng suspek ang krimen dahil ibibili niya umano ng school supplies ang mga anak.