Katiting na oil price rollback bukas


MAY oil price rollback sa Martes, Marso 12, 2024. Pero hindi pa aabot sa P1 ang ibabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa makakahiwalay na abiso ngayong Lunes, sinabi ng Cleanfuel, Caltex, Jetti, Petro Gazz, Seaoil at Shell na magtatapyas sila ng presyo sa gasolina sa halagang 50 sentimo kada litro habang 25 sentimo naman sa diesel.

Ayon pa sa Caltex, Seaoil at Shell, may bawas din na 30 sentimo sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.

Inaasahan na magsisisunod din ang iba pang oil companies sa pag-rollback.

Ayon sa Department of Energy, ang year-to-date na increase se presyo ng gasolina ay umabot na sa P5.95 per liter, habang P4.05 per liter naman sa diesel at P0.05 per liter sa gaas.

PRICE ROLLBACK. Motorists and consumers can expect lower prices of petroleum products on Tuesday (March 12, 2024). The price rollbacks will be lower by around PHP0.25 to PHP0.50 per liter.