Kasal ni Kiray hindi bumenta sa publiko

WALANG napaniwala ang komedyanang si Kiray na ikinasal na siya sa boyfriend niyang si Stephan Estopia.


Ipinost ni Kiray sa Instagram ang video ng “pagpapakasal” niya sa nobyo na nilakipan niya ng caption na, “Nagpakasal kami sa Taiwan.”


Mapapanood sa video na naglalakad si Kiray patungo sa naghihintay na boyfriend bago nagpakita ang “pari.”


Hindi naman naniwala ang publiko sa paandar ni Kiray dahil naka-casual attire lang sila ni Stephan habang plastik ang hawak niyang bouquet at ang kilalang influencer na si Christian Antolin ang tumayong “pari.”


Isa pang April Fools’ Day prank na nag-flop ang pakulong hiwalayan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo.
Sa video na ipinost nila sa Instagram, nagsalita ang dalawa na may annoucement kuno sila.


“We’re here because we have something to say that we think, you need to know,” sey ni Marco bago sinabi na tapos na ang “MarVen” tandem.


Nag-walkout pa si Marco sa frame pero bumalik din ito para sabihin na, “Happy April Fools Day!”


Wala ring napaniwala ang dalawa dahil noong mismong noong April 1 nila ito pinost.