Kamara kinilala kabayanihan ng 5 Bulacan rescuer

INAPRUBAHANAN ng Kamara ang isang resolusyon na nagbibigay pagkilala sa limang miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Rescue Personnel na nasawi habang nagsasagawa ng rescue mission sa kasagsagan ng super typhoon Karding.

Partikular na kinilala ng House Resolution No. 421 ang katapangan nina Narciso Calayag
Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin, na nasawi habang nagsasagawa ng rescue mission sa Barangay Kamias, San Miguel, Bulacan.

“While in the conduct of their rescue mission, the rescuers were wading through the flood when a wall collapsed on them and were dragged away by the raging flood,” sabi ng resolusyon.

Ibibigay ang kopya ng resolusyon sa mga pamilya ng limang nasawing rescuer.

“The five rescuers gave their lives in the service of others, thus, they are worthy of commendation and emulation by all Filipinos as they exuded heroism, patriotism, bravery and dedication to public service,” dagdag ng resolusyon.