PINANGUNAHAN ni. Speaker Martin Romualdez ang pagsusulong para pansamantalang ipagpaliban ang kauna-unahan general elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Isinusulong ng House Bill 11034 ang paglilipat ng nakatakda sanang eleksyon ng BARMM sa May 12, 2025 sa May 11, 2026.
Paliwanag ni Romualdez sa imunumungkahing HB No. 11034 ay upang matiyak ang kahandaan at epektibong transition ng Bangsamoro people, kaalinsunod sa mungkahi ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at base na rin sa mga bagong kaganapan sa rehiyon.
Una nang nagmungkahi ang Senado para sa pagpapaliban ng BARMM polls base na rin sa mungkahi ng BTA.
Pormal na inihain ng BTA ang pagpapalawig sa transition period bunsod na rin anila ng critical work na kailangan tapusin na siya ring titiyak para sa mas matagumpay na pagsasalin ng pamamahala ng mga mahahalal na regional government.
Ayon kay Romualdez mahalaga ang hiling na extension ng BTA upang matugunan ang mga isyu pang dapat kaharapin.
“This postponement is not a delay in progress, but rather a necessary step to ensure that the foundations we are building for BARMM are solid and capable of supporting a sustainable autonomous government,” paliwanag ni Romualdez.
Layaunin din ng panukala na magtalaga ng bagong 80 interim members ng BTA hanggang sila ay mapalitan ng mga mahahalal na opisyal sa 2026.