HINDI pa tag-init o summer ang nararamdamang init at alinsangan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sa weather update, sinabi ng Pagasa na ang init na nararanasan ay bunsod ng mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
“Subalit posible pa rin pagdating ng hapon at gabi ay magkakaroon pa rin tayo ng mga isolated thunderstorms,” ayon sa meteorologist na si Meno Mendoza.
Ngayong araw ay inaasahan ang makulimlim na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Central Luzon dahil sa tail-end ng frontal system.
Mararanasan pa rin ang epekto ng amihan o northeast monsoon sa Northern Luzon.