DAPAT umanong makasuhan ang dating pulis sa road-rage viral video na naaktuhang nambatok at nanuntok ng baril sa isang siklista, ayon kay Senador Joseph Victor “JV” Ejercito nitong Lunes.
Kinondena rin ni Ejericto na isa ring siklista ang naging aksyon ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales na laman ng viral video habang nambatok at nagkasa ng baril na nangyari noong Agosto 8 malapit sa Welcome Rotonda, boundary ng Maynila at Quezon City.
Tiniyak ni Ejercito na makakasuhan ang dating pulis kahit pa may sinasabing kasunduan na ang dating pulis at naging biktima nito.
“What happened between the ex-policeman and the cyclist settlement is between them. But what is unforgivable is drawing a gun against a helpless, unarmed cyclist,” ani Ejercito.
“The ex-cop should still be charged for grave threats, but unfortunately the cyclist seems to have been intimidated,” dagdag pa ng senador.
Dapat din anyang tanggalan ng driver’s license ng Land Transportation Office ang dating pulis. Dapat din anyang kanselahin ng Philippine National Police (PNP) ang lisensiya nito para makapag-may-ari ng baril at makapagdala nito sa labas ng kanyang bahay.
“If he is still connected with the government, he should be charged administratively for conduct unbecoming,” dagdag pa niya.
“Hindi dapat makalusot mga sigang pulis! Hindi na yan uso! As a cyclist, I will not let this pass,” ayon pa kay Ejercito.
“Dapat makasuhan din ito sa korte at ipakulong nang hindi na ito tularan! Hindi ka dapat palagpasin!”
“The sad part is that instead of being remorseful and sorry, Mr. Gonzales seemed arrogant in his press conference,” hirit pa ni Ejercito.