Joshua Garcia may fear of heights

ISINIWALAT ng young actor na si Joshua Garcia na mayroon siyang acrophobia o fear of heights.

Sa isang panayam, sinabi ni Joshua na nakaramdam siya nang takot nang bumisita sa Vatican City sa Rome kamakailan.

Ayon sa aktor, dahil sa matinding takot na mahulog ay kinailangan niya na tumalikod sa view para makapag-selfie.

“Ang hirap pumose kasi ‘yung baba parang sobrang taas. Takot ako sa matataas na lugar. Dahan-dahan akong lumalapit, nakatalikod lang ako,” sey ni Joshua.

Samantala, sa nasabi ring panayam ay inihayag ni Joshua na gusto pa niyang pagbutihin ang kanyang pagiging aktor.

“Honestly speaking, I think meron pa ako ii-improve, kasi hindi pa ako nakakapag- explore sa mga iba’t-ibang techniques pagdating sa acting. So, I think meron pa and this my 10th year in showbiz, so I think magandang regalo siya for me to learn more,” aniya.

Nagpapasalamat naman ang 26-anyos na aktor dahil naitatambal siya sa mahuhusay na aktres ng kasalukuyang henerasyon.

“Masasabi ko lang na masaya ako makakatrabaho ko sila, makaka-work ko ulit si Julia (Barretto) after a long time. Ngayon naman with Anne (Curtis. Matagal na siya sa industriya and working with them I take it as blessing,” wika niya.