SIMULA sa 2023 ay hindi na magbebenta ang Johnson & Johnson ng talc-based powder sa buong mundo, sa halip ay maglalabas ito ng polbo na gawa sa cornstarch o “gawgaw”.
Ginawa ang desisyon dalawang taon simula nang hindi na maglabas ang kompanya ng mga talc-powder sa Amerika at Canada matapos ang kabi-kabilang kaso na inihain laban sa Johnson & Johnson.
Ang kaso ay isinampa ng maraming mga kababaihan na diumano’y nadale ng ovarian cancer matapos ang deka-dekadang paggamit sa talcum powder.
Hanggang ngayon ay mariing itinatanggi ng Johnson & Johnson ang mga akusasyon bagamat naglabas na ito ng pahayag hinggil sa pagpapatigil ng paggawa ng talcum powder bilang bahagi ng “worldwide portfolio assessment.”
“We continuously evaluate and optimize our portfolio to best position the business for long-term growth,” ayonsa pahayag.
“This transition will help simplify our product offerings, deliver sustainable innovation, and meet the needs of our consumers, customers and evolving global trends.”
Noong 2018 inutos ng St. Louis jury ng $4.7 bilyon verdict laban sa Johnson & Johnson at sinabing naging pabaya ang kompanya sa hindi pagbibigay ng babala sa mga consumer hinggil sa panganib sa kalusugan na dala ng baby powder.