Jobless Pinoys kumonti

BUMABA ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, ayon sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Office.

Sa rekord ng PSA, umabot lang sa 3.44 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong Marso. Mas mababa ito sa naitalang 4.19 milyon na naitala noong Pebrero.

Mas mababa rito ito sa rekord noong Enero na may 3.95 milyon.

Ang unemployment rate naman ay naitala sa 7.1 percent mula sa rekord noong Pebrero na 8.8 percent.