Jinggoy nilinis ng Sandiganbayan sa bribery case

IKINATUWA ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagkakabasura ng Sandiganbayan sa isa sa dalawang counts ng indirect bribery na isinampa laban sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Nanindigan si Estrada na hindi siya gumalaw ng pera ng gobyerno.

“Hindi ako kailanman gumamit ng pondo ng bayan para sa pansariling interes o para pagtakpan ang anumang gawain na taliwas sa mga umiiral na batas. At higit sa lahat, pinatotohanan ng desisyong ito na hindi ko sinira ang tiwala na ibinigay sa akin ng mga mamamayan,” pahayag ni Estrada.

“Bilang isang lingkod bayan, gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya, kahit gaano pa katagal, na linisin ang aking pangalan.”

Binaliktad ng Sandiganbayan 5th Division ang nauna nitong desisyon hinggil sa indirect bribery na isinampa sa senador kaugnay ng diumano’y ilegal na paggamit ng P183 milyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon kay Estrada, naniniwala pa rin siya sa justice system ng bansa, at nagpasalamat sa korte sa pagbawi sa nauna nitong desisyon matapos ang ginawa niyang pag-apela at pagsasampa ng motion for reconsideration.

“This experience has only further solidified my commitment to work tirelessly for the betterment of our nation as we move forward,” dagdag pa ng senador.


NOT GUILTY. Senator Jinggoy Estrada smiles to reporters as he leaves the Sandiganbayan along Commonwealth Avenue in Quezon City on Jan. 19, 2024. The Sandiganbayan on Thursday (Aug. 22, 2024) reversed its decision and cleared Estrada of one count of direct bribery and two counts of indirect bribery due to lack of evidence. (PNA photo by Robert Oswald P. Alfiler)