HINATULAN ng Sandiganbayan Fifth Division na makulong ng hanggang 11 taon si Senador Jinggoy Estrada sa kasong bribery kaugnay sa P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Ngayong araw, Enero 19, inilabas ng anti-graft court ang desisyon na panagutin si Estrada, na inakusahan na nagbulsa ng P183 milyon mula sa mga pekeng proyekto, sa isang count ng direct bribery at dalawang counts ng indirect bribery.
Siyam na taong kulong ang parusa sa direct bribery habang mababa ang dalawang taong kulong para naman sa indirect bribery.
Pinagbabayad din ng Sandiganbayan ng P3 milyon si Estrada para sa nasabing mga kaso.
Gayunman, hindi pa maaring arestuhin ang mambabatas dahil iaapela pa niya ang desisyon.
Samantala, abswelto si Estrada sa kasong plunder na may kaugnayan din sa pork barrel scam.
Matatandaan na inakusahan ang senador ng pagkuha ng aabot sa P55 milyon mula sa kanyang pork barrel na ipinadaan sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles.