Itlog magkakaubusan sa Abril?

NANGANGAMBA ang Department of Agriculture na posibleng magkaroon ng shortage ng itlog sa Abril.

“The unfortunate thing, our forecast is there might be a shortage of eggs by April,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Biyernes.

Bunsod umano ito ng oversupply ng itlog noong isang taon kung saan ang presyo nito ay bumaba sa P4 kada piraso.

Dahil dito, marami ang nalugi kung kaya’t pinili nilang katayin na lang ang mga inahing manok para may dagdag na kita, paliwanag pa ng opisyal.

Ang resulta anya ay ang kakulangan ngayon ng mga paitluging mga manok.

“This has ignificantly reduced the population of egg-laying hens, potentially impacting future supply,” dagdag pa ni Tiu-Laurel.

Gayunman, umaasa anya sila na masosolusyunan ito lalo pa’t kasisimula pa lamang ng Pebrero.