INUGA ng magnitude 5.6 na lindol ang Isabela alas-5:19 ng hapon ngayong Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology Phivolcs).
Idinagdag ng Phivolcs na naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Maconacon na may layong 18 kilometro silangan ng Maconacon, Isabela.
Ito ay tectonic at may lalim na 55 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity 5 sa Penablanca, Cagayan.
Instrumental Intensity 4 naman ang naitala sa Gonzaga, Cagayan habang Instrumental Intensity 3 sa Ilagan, Isabela.
Instrumental Intensity 2 sa Casiguran, Aurora; Batac, Pasuquin, Laoag City, Ilocos Norte; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; Madella, Quirino at Instrumental Intensity 1 sa Bangued, Abra; Baler, Diapaculao, Aurora; Vigan City, Sinait, Ilocos Sur; at Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang pinsala, bagamat inaasahan ang mga aftershocks.