Marcos nagpa-concert para sa sundalo

NAGPA-CONCERT si Pangulong Marcos sa mga sundalo at kanilang pamilya sa Palasyo nitong Sabado.

Ayon sa Malacanang, ang Konsyerto sa Palasyo: Awit ng Magiting ay naglalayong kilalanin ang mga sakripisyo ng mga miyembro mg Armed Forces of the Philippines (AFP) para matiyak ang kalayaan, kapayapaan at soberenya ng bansa.

Kabilang sa mga kasama sa concert ay sina Samiweng Singers mula sa Ilocos Norte; Musical Director Jeddi Cris Celeste ng Iloilo City; at harpist na sina Benedicto Costaños Sr. at Benedicto Costaños Jr. mula Cebu.

Kasama ni Marcos na nanood sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Vice President Sara Duterte, at dating President Gloria Macapagal Arroyo.