NILAGDAAN nina Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Land Bank of the Philippines President and Chief Executive Officer Cecilia Borromeo ang implementing rules and regulations (IRR) kaugnay ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng lupa ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Nauna nang pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Executive Order Number 4 sa kanyang ika-65 kaarawan noong Setyembre 13 para sa pagpapatupad ng isang taong suspensyon sa land amortization at interest payment ng mga lupang sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Inaasahang 655,000 magsasaka ang makikinabang sa moratorium bagamat mawawalan naman ng tinatayang P1 bilyong kita ang pamahalaan.