DAHIL sa laksa-laksang imported na sibuyas na inangkat ng pamahalaan, asahan na raw ang pagbaba ng presyo ng nasabing panahog, ayon sa Department of Agriculture ngayong Lunes.
“End ng February, at least nakita natin na hindi na from P240 last week, ngayon, ang prevailing ay P200. And we’re expecting bababa pa ito kapag pumasok na sa palengke, itong yellow and red onions,” ayon kay Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa.
As of Feb. 14, ang presyo ng lokal na pulang sibuyas sa Metro Manila ay mula P150 hanggang P230 kada kilo habang ang lokal na puting sibuyas naman ay nasa pagitan ng P100 hanggang P140 kada kilo.
Nauna nang inaprubahan ng DA ang pag-angkat ng 4,000 metriko toneladang pulat at puting sibuyas, at 3,236 MT nito ay inaasahang papasok sa bansa bago matapos ang buwan.
“Makakatulong ito na mapababa kahit konti, hindi tumaas. Pero at the same time, hindi rin siya maka-affect o maka-dumpen iyong presyo ng locally produced natin ng sibuyas,” paliwanag ni De Mesa.