Imee nag-emote sa nangyari kay Duterte; sagot ni Panelo, ‘lokohin mo lelang mo’

INOKRAY nang bongga-bongga ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Senador Imee Marcos nang sabihin nito na hindi siya makadadalo sa campaign rally ng administration slate dahil hindi niya matanggap ang nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nagpapaumanhin ako sa mga kababayan kong Waray na hindi ako makakadalo sa rally mamaya sa Tacloban,” unang pahayag ni Marcos.

“Hindi ko matanggap ang ginawa kay dating Pangulong Duterte. Pnag-aaralan ko ang mga pangyayari upang maliwanagan ang sambayanan at makabuo ng makatotohanang solusyon patungkol sa pagtangay sa dating pangulo” dagdag pa niya.

Pero iba ang naging dating nito kay Panelo, kaya’t sa hiwalay na panayam sa kanya ay napakanta na lamang ito ng “balat-kayo pala ang buhay sa mundo.”

“‘Yan ang sagot ko sa kaniya. Bolahin mo lelang mo,” dagdag pa nito.