MAHIGIT 276,000 pamilya o 865,000 indibidwal sa Quezon City na naapektuhan ng ipinairal na enhanced community quarantine ang nabigyan na ng ayuda.
Ani Mayor Joy Belmonte, maituturing na isang achievement ang dami ng nabiyayaan sa loob lamang ng isang linggo sa kabila ng laki ng populasyon ng siyudad.
“This is an achievement already given that it has just been a week since we started distribution and considering the number of people that we have to cover before the 15-day deadline set for all cities in Metro Manila,” ani Belmonte sa kalatas.
Kung susumahin, nasa 35 porsyento ng 800,000 pamilyang benepisyaryo ang nabigyan na ng tulong.
Ayon sa city treasurer’s office, idinaan ang pamimigay ng ayuda sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“The city used the beneficiaries’ list of the DSWD Social Amelioration Program and Pantawid Pamilyang Pilipino Program,” paliwanag ng tanggapan.