BINASURA ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng Pilipinas na suspindehin ang ginagawang imbestigasyon kaugnay ng giyera kontra droga noong panahon ni dating Pangulong Duterte.
Sa isang desisyon na ipinalabas ng ICC na may petsang Marso 27, nabigo ang pamahalaan na kumbinsihin ang Appeals Chamber na suportahan ang pagpapatigil ng imbestigasyon.
Nangangahulugan ito na tuloy ang ginagawang imbestigasyon ni ICC Prosecutor Karim Khan kaugnay ng madugong drug war.
Inihain ng Philippine government ang apela noong Marso 13, 2023.