GOOD vibes ang hatid ng isang ibon, na kung ilarawan ay parang bahaghari dahil makulay nitong balahibo, na natagpuan sa Semira Island sa Caluya, Antique.
Sa pambihirang ganda ng ibon ay tinawag itong “Ibong Adarna.”
Ipinost ni Nonoy Filaro sa Facebook ang video ng ibon na naaktuhan niya sa lugar.
“Grabe ang ganda ng Ibong Adarna. Wow! Akala ko sa libro lang ‘to. Grabe! Personal encounter po ito sa Ibong Adarna,” ani Filaro.
Ilang netizens naman ang nagtuwid na hindi ito Ibong Adarna kundi isang Golden Pheasant, isang species ng ibon na kadalasang matatagpuan sa mga kabundukan ng Western China.