Huwag umasa sa SSS retirement benefits

“Sa SSS, Miyembro’y Protektado, Kinabukasa’y Sinisiguro” – Mula sa preface ng SSS Annual Report.

Kung may ultimate “paasa” sa mundo, ito ay hindi ang iyong jowa kundi mga ahensiyang puwersahan kang kinukunan ng buwanang kontribusyon, at pagkatapos ay iiwanan ka sa ere o kaya ay pagdudusahin sa walang katapusang “followups” ng mga benepisyo.

Gaya ng SSS na nag-aalok ng “siguradong kinabukasan” na malayo sa realidad at kadalasan ay “nganga” ang kinakahinatnan. To use a gastric metaphor, SSS offers a sweet menu to its members. But taste it and it turns bland.

Earlier this year, bumungad sa atin ang balitang nais magtaas ng buwanang kontribusyon ang SSS dahil umano nanganganib ang retirement fund ng maraming miyembro at halos kalahati ng milyong miyembro nito ang hindi matatamasa ang benepisyo mula sa ilang taon nilang buwanag kaltas sa suweldo.

Sa isang pagdinig sa Senado kamakailan tungkol sa mga korporasyon ng gobyerno at kaakibat na public enterprise, inamin ng SSS na nakikita nila ang ilang porsiyento ng mga miyembro nito ay maaaring hindi makatanggap ng “significant benefits” kapag nagretiro.

Nasa 40.97 milyon ang kabuuang miyembro ng SSS at bagamat hindi consistent magbayad ang ilan, masasabing tiba-tiba ang SSS sa koleksiyon at tubo mula sa investment at enterprise galing sa naipong pera ng mga miyembro nito.

Kaya isa ako sa umalma sa naturang pagtaas ng kontribusyon. Kailangan ba talaga ngayong krisis pa naman? Kung tutuusin, kumikita ang naipong kontribusyon ng mga SSS members sa mga investments ng SSS. At unlike PAGIBIG Fund, take note na hindi nagbibigay ng dibidendo ang SSS sa kanyang mga miyembro.

Saan napupunta ang mga naturang kita? Sariling pera ng miyembro ay pinapatungan ng interes at finance charges kapag di nakabayad ng loan on time pero ang kontribusyon, kasama ng milyun-milyong kontribusyon ng members ay pinagmumulan ng kita na ang nakikinabang ay sinu-sino?

Nitong nakaraang mga taon, napabalita ang P276 milyong halaga ng bonus ng SSS employees, at bawat board director ay nagbulsa umano ng kada P1 milyon dahil sa “good performance.” Haler, anong klaseng entitlement yan?

Taong 1985 ako unang nagtrabaho sa BusinessDay (ngayon ay BusinessWorld) bilang proofreader. I was mandatorily covered by SSS. Gaya ng milyong Filipino workers, umasa ako sa benepisyong matatanggap mula rito. Forced savings kasi ito at may kunsuwelo pang pautang at mga kaugnay na benepisyo,

At dahil SSS contributions are in the form of “trust fund” and the trust fund will be kept secured until I reached 65, umasa ako na kapag naabot ko ang edad ng pagreretiro, may makokolekta akong pension na magagamit sa paglalakbay at pagrerelax.

Ergo, with an accumulated savings from SSS, plus a a little personal savings, I plan to enjoy the twilight years with a blast.

With that in mind, I religiously paid for my monthly contributions, increasing the premium from 200 as regular employee doubled by my employer’s top up to 715 to 1,014 per month as a freelance worker and gradually changing my membership status as employed to self-employed.

Bukod sa pangarap na bakasyon grande, I pin my hopes to becoming worry-free with medical emergencies when I hit my senior years.

Lahat ng pinanghawakan kong mangyayari, tila ilusyon na lang ngayon! With the future of my SSS benefits in a fog, and with inflation, tila lumabo nang lumabo ang matiwasay na retirement plans.

Serysong usapin ang napipintong pagkalugi ng SSS. Lifeblood issue ito. Pero nung magpakita ng pagkaalarma ang mga miyembro, kumambiyo ang SSS. Nagbago ng soundbites. Hindi na daw ito nalulugi.

Sa report ng Businessmirror, klinaro ng pamunuan ng SSS na ang P843.9 bilyong pagkalugi na naunang inilathala ay nagmula sa unaudited financial statements umano at ang nakita sa numero ay resulta ng pagbabago sa accounting standard ng Philippine Financial reporting Standards (PFRS) 4. Wala rin daw epekto sa cash flow ng SSS na nananatili ang kakayanan nitong pondohan ang benepisyo ng mga miyembro.

A few years back, maraming SSS members na gaya ko ang naniwala sa SSS bilang sound government program. Sa halos 65 years na ng pagkakatatag ng SSS, bawat manggagawa ay covered na nito, everyone—literally almost every working Juan and Juana—covered. At millions ang kaltas mula sa salary which are funneled to SSS vaults.

Pinapangalandakan ng SSS, isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC ) ang paglalagak ng milyon milyong halaga mula sa mga kontribusyon ng 40k plus na miyembro nito sa investment portfolio upang kumita ang pera at mapakinabangan ng mga SSS members.

Pero nabusog na ang mga nasa kusina, at tanging “crumbs” o “leftovers” ang madalang pa sa ayudang nakakarating sa lehitimong mga nagbigay ng kapital– mismong SSS members.

What kind of trouble we, SSS members, are facing?

Big trouble.

Anong kabulastugan itong pagsasabing nalulugi ang ahensiya kaya kailangan ng dagdag kontribusyon at kapag pumalag ay sasabihing hindi pala ito nalulugi. Asan ang moralidad ng ganitong kalakaran gayong millions of members complained of unsatisfactory service?

Biktima ng pagsasamantala at pandarambong ng mga oportunista ang SSS—paano aasahan ng bawat miyembro nito na magiging susi ito ng matatag na kinabukasan nila? It was never meant to be a welfare program after all.

Social security is a lie. A huge one.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]