MARIING kinondena ng Malacanang ang brutal na pagpaslang sa abogadang si Maria Saniata Alzate sa Abra nitong Huwebes.
Sa isang kalatas, nangako si Executive Secretary at dating Supreme Court Justice Lucas Bersamin sa pamilya ng biktima na bibigyang hustisya ang pagkakapaslang sa abogada.
Ayon kay Bersamin tuloy-tuloy ang operasyon ng pulisya para matunton ang mga salarin.
“We will ensure that our law enforcement agencies will work relentlessly to bring to justice those responsible for this heinous act. Hot pursuit operations are already ongoing, and we call upon our citizens to remain vigilant,” ayon kay Bersamin.
Ayon pa kay Bersamin, isang kawalan si Alzate sa lalawigan at maging sa hanay ng mga nasa legal profession.
“We join our colleagues in the legal field in condemning the killing of Atty. Alzate, who was brutally shot outside her residence on the afternoon of 14 September 2023. […] Her passing is not only a tragedy for the province of Abra but also for the legal profession,” anya.