TUMAAS ang daily average rate ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa, ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa nitong Martes.
Ayon kay Herbosa dumoble ang bilang ng daily rate ng bagong kaso ng HIV sa bansa ngayong taon kumpara noong 2022.
Anya, may 50 bagong kaso ang naitatala kada araw, mas mataas sa dating 22 daily case rate noong isang taon.
“We’ve kind of doubled from the previous year of 22 cases a day,” pahayag ng kalihim.
Ayon pa sa opisyal, 47 porsiyento nang naitalang bagong kaso ay mula sa 15 hanggang 24-year-old bracket.
“So I was told [that] of the new cases, 47 percent are young. Fifteen years old was the youngest,” he said.
Read more: https://newsinfo.inquirer.net/1859709/hiv-daily-average-cases-on-the-rise-in-2023-doh#ixzz8J1sFqb9T
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook