Hinimatay may cash kay Whamos

INANUNSYO ng social media personality na si Whamos Cruz na padadalhan niya ng cash ang isang babae na hinimatay matapos maglaro sa isang challenge sa nakaraang Barako Festival sa Lipa City, Batangas.


Sa kanyang Facebook account, inanunsyo ni Whamos na may nakahanda siyang ayuda sa babae.


“Hello sa mga taga Lipa Batangas baka meron pong nakakakilala kay ate tulungan kopo sya bigyan kopo sya ng cash paki share naman po para umabot sa kanya,” aniya sa caption ng larawan ng walang-malay na babae.


Agad namang itinag kay Whamos ang Facebook account ng babae na nakilalang si Brenda Badillo.


Napag-alaman na pumangalawa si Badillo sa “Last to take hands off” challenge sa Barako Festival na ang premyo ay isang Toyota Fortuner.


Lumahok si Badillo sa palaro dahil isa sa dalawang anak niya na visually-challenged ay kailangang operahan.