UMABOT sa 48 degree Celsius ang heat index sa Butuan City nitong Biyernes.
Ito na ang pinakamainit o “heat index” na nararanasan sa bansa ngayong taon.
Ang heat index, na tinatawag ding “human discomfort index,” ay tumutukoy sa temperatura na nararamdaman ng mga tao.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang 48 °C na naranasan sa Butuan City sa Agusan del Norte ay nasa ilalim ng “danger” classification.
Ibig sabihin, posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga taong ma-expose sa sobrang init at posibleng dumanas ng heat stroke kung magtutuloy-tuloy ang exposure.
Nitong Marso, sinabi ng Pagasa na ilang lugar ang nakapagtala ng mataas na heat index. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Butuan City, Agusan del Norte: 48°C
- Legazpi City, Albay: 47°C
- San Jose, Occidental Mindoro: 47°C
- Dagupan City, Pangasinan: 46°C
- Aparri, Cagayan: 46°C