AYAW papigil ang Southwest Monsoon o Habagat at patuloy itong magpapaulan sa maraming bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa state weather bureau.
Magiging maulap ang kalangitan na may kasamang pag-ulan ang makakaapekto sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, at Bataan. Dahil dito, posibleng magkaroon ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Ang buong Kamaynilaan naman ay makararanas ng bahagya hanggang sa makulimlim na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms.
Katamtataman hanggang sa maalon naman ang mararanasan sa mga coastal areas sa Luzon at Visayas.