INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad ito ng gun ban sa Hulyo 22, bilang bahagi ng security measures para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Ayon sa kalatas, sinabi ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) na ipatutupad ang gun ban mula alas-12:01 ng madaling araw ng Lunes, Hulyo 22 hanggang 11:59 ng gabi ng nasabi ring araw.
“This suspension is a precautionary measure to ensure public safety and security during the event,” ayon sa advisory.
May 22,000 pulis ang nakatalaga para masigurong ligtas at payapa ang gagawing SONA. May 6,000 pulis naman ang idedeploy sa Batasang Pambansa Complex at paligid nito sa araw mismo ng talumpati ni Marcos.