IKINATUWA ni Senador Grace Poe ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa nitong Lunes ang panukalang Eddie Garcia Act na magbibigay ng karampatang proteksyon sa mga mga movie at television workers.
Sa botong 22-0, ang ipinasang Senate Bill 2505, na ayon kay Poe ay sadyang malapit sa kanyang puso lalo pa’t sa dinami-dami ng pelikula ng kanyang ama na si king of Philippine movies na si Fernando Poe Jr ay kasama nito ang yumaong batikang kontrabida na si Eddie Garcia.
“Hindi mabubuo ang bawat pelikula ni FPJ ng walang matinik na kontrabida na ilang beses na ginampanan ni Eddie Garcia. Kung may Major Dario, kailangan may Major Rigor sa ‘Batas sa Aking Kamay’. Sa ‘Kapag Puno na ang Salop’ at ‘Ako ang Huhusga’, hindi magiging matapang si Guerrero kung walang Judge Valderama na kumakalaban. Kahit sa revival ng ‘Ang Probinsyano’, si Señor pa rin ang katunggali ni Cardo,” ayon kay Poe.
Napapanahon na anya na silang mga manggagawa sa likod ng mga pelikula at telebisyon ang dapat ang nasa spotlight ngayon.
“Behind the screen are so many horror stories of long and often uncompensated work hours, avoidable accidents and unchecked hazards, and overworked but underpaid crew members and actors. The death of a dear friend and beloved icon, Eddie Garcia, due to poor working conditions in the industry was sadly not the first but it should be the last,” dagdag pa niya.
Ang nasabing panukala ay magbibigay proteksyon at suporta sa mga manggagawa sa pelikula at telebisyon laban sa unfair treatment at working condition.
Isinulong ang panukala matapos ang pagkamatay ni Garcia na naaksidente habang nasa gitna ng shooting.
Sa panukala, nilalayon nitong ilagay lamang sa walong oras at maximum na 14 oras ang dapat trabaho ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon.
Kailangan meron ding separate agreement ang mga workers na senior citizen na prescribed ng Department of Labor and Employment.
Bukod dito, kailangan may kontrata rin na siyang sisisguro sa interest ng mga manggagawa, kabilang ang detalyadong trabaho at deskripsyon ng kanyang mga tungkulin.
Ipinapanukala rin nito na ang karagdagang wage-related benefits, social security at welfare benefits na sisiguro sa kanilang maayos na working condition, at insurance coverage.