NANAWAGAN si Senador Grace Poe sa mga water concessionaires na walang interruption sa pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga kostumer ngayong panahon ng tag-init.
Sinabi ni Poe na kailangan ding tiyakin ng mga water concessionaires na meron silang mga augmentation plans at nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan pa masiguro ang walang ampat na suplay ng tubig.
“The heat is on, water is in high demand, and without it, our health is at risk. Water providers must ensure an uninterrupted, 24/7 supply,” ayon kay Poe, na siyang chair ng Senate committee on public services, sa isang kalatas.
Kailangan anya ang ganitong mga kasiguruhan para rin matiyak na ligtas ang mamamayan at maiiwas ang mga ito sa posibleng outbreak nang kung ano-anong mga uri ng sakit, gaya na lang ng heat stroke.
Hinikayat din ng senador ang mga water firms na makipagtulungan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at National Water Resources Board (NWRB) para masiguro na hindi kukulangin ng suplay ng tubig lalo na sa panahong kailangang-kailangan ito.
“Kung walang tubig sa gripo dahil sa water interruption, ang iba sa atin walang magagamit na tubig kahit sa inumin,” ayon kay Poe.