INIHAIN ni Zamboanga City Representative Khymer Adan Olaso ang panukala na nagsusulong ng death penalty para sa mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang nagkasala ng graft and corruption ng Sandiganbayan.
Sa kanyang House Bill 11211, ipinanukala ni Olaso na dapat ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng firing squad sa mga opisyal ng pamahalaan na guilty rin sa malversation of public funds at plunder.
Cover ng panukala ang mga opisyal ng pamahalaan, kahit ano pa ang ranggo at posisyon, sa ehekubitbo, lehislatura at judiciary, kasama rin ang mga personnel ng constitutional commissions, government-owned corporations, at iba pang ahensiya ng pamahalaan, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Inihain ang panukala para mapalakas pa ang accountability at mapigilan ang pagnanakaw sa pamahalaan ng mga kawatan sa gobyerno.
Paraan din anya ito para ipabatid na hindi tinotolerate ng bansa ang corruption.
“By reintroducing the death penalty, he hopes to foster a culture of integrity and rebuild public confidence in government institutions,” ayon sa kanyang explanatory notes.
Bagamat marami ang sumasang-ayon sa panukala, may ilan naman ang nag-raise ng isyu ng human rights sakaling maging ganap na batas ito.