NAG-abiso na ang Globe Telecom na magpapatupad ito ng P50 fine sa mga postpaid subscriber nito na hindi makakapagbayad sa oras ng kanilang phone bills.
Dahil dito hinihikayat ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro sa telco giant na irekonsidera ang plano nitong fine na sisimulan sa Disyembre dahil dagdag pasanin nga naman ito sa publiko.
“Almost half of Filipino families or around 13.2 million families consider themselves poor based on the latest Social Weather Station (SWS) survey and Globe will add another fee such as this,” sabi ni Castro sa isang kalatas.
Hindi anyang maituturing na luxury ang paggamit ng Internet at cellular communication kundi isang pangangailangan na ito.
“It is a public utility that should be primarily for the public good, and not mainly for profit,” giit ni Castro
“Sana ay pakinggan ng Globe ang panawagang ito ng mga subscribers nila at para di na rin gumaya ang iba pang telcos,” dagdag pa ng kongresista.
Hirit pa nito na malamang ay iumang ang imbestigasyon laban sa Globe kapag itinuloy ang plano.
“Kapag ito ang mangyari ay malamang na imbestigahan namin ito sa Kongreso,” pahayag ni Castro.