Gatchalian: Immigration, CAAP mananagot sa pagpuslit ni Guo

MANANAGOT ang sinuman mula sa Bureau of Immigration at Civil Aviation Authority of the Philippines na tumulong para makapuslit ng bansa ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Ito ang naging banta ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Martes matapos kumpirmahin ng BI na nakaalis na nga ng bansa si Guo, bagamat wala itong record sa kanilang database.

“Itong nalusutan tayo ni Guo Hua Ping, nakakahiya talaga ito at dapat may managot dito  na government agencies, lalong lalo na ang  Bureau of Immigration at ang CAAP. Ang CAAP  kasi ito  yung nagre-regulate ng mga airport e,” pahayag ni Gatchalian sa isang panayam sa radyo.