SINABI ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ilulunsad ang pamamahagi ng food stamp sa limang pilot sites sa bansa ngayong Hulyo hanggang Disyembre.
Ito ay bahagi ng programa ng pamahalaan na “Walang Gutom 2027”.
“Mayroon tayo in the BARMM area, what used to be a former conflict area; two, geographically isolated regions or provinces; three, in urban poor settings; and four will be calamity stricken areas; and the fifth will be rural poor,” sabi ni Gatchalian.
Idinagdag ni Gatchalian na sa ilalim ng programa, 3,000 pamilya ang kasama sa pilot program.
“At least 300,000 hopefully next year sa first run; another 300,000 right after and then hopefully reach the magic number of one million on the succeeding year,” dagdag ni Gatchalian.
Aabot sa $3 milyon budget ang ilalaan sa pondo na magmumula naman sa Asian Development Bank.