Mister ng sikat na fashion icon gustong sabayan si misis: Nagpakilay

PINAGTATAWANAN ng kanyang mga kasamahan ang isang mambabatas.

Hindi dahil sa kalokohan kundi sa kakaibang itsura ngayon ng nasabing matikas na elected official.

Kamakailan ay nagbakasyon sa Europe si Mr. Legislator kasama ang magandang misis.

Pero nang ito ay bumalik sa bansa at mag-resume ang sesyon ay laking gulat ng kanyang mga kapwa mambabatas dahil tila may kakaiba sa face ni sir.

Yes, very obvious ang bagong itsura ng mambabatas dahil lumapad ang kanyang mga kilay.

Pareho na sila ng kilay ng kanyang sikat na misis at ito ay naging sentro ng tawanan ng kanyang mga kasamahan.

Kung kailan nga naman nagka-edad ang ating bida ay saka raw ito naging banidoso sa kanyang itsura.

Sinabi pa ng aking spotter na malamang daw ay ayaw magpahuli ni sir sa trend lalo’t mga gwapo ang mga dating “ex” ng kanyang misis.

Naalala ko tuloy ang kwento na ayaw na ayaw raw maririnig ng ating bida na ikinukumpara siya sa mga gwapong nakaraan ng kanyang misis.

May punto naman si Sir. Malayong-malayo nga naman ang itsura nya sa mga yun ayon pa sa aking spotter.

Di na kailangan ang clue. Lagi namang laman ng social media ang atin bidang mambabatas na may magandang kilay.