UMABOT sa mahigit 150,000 kaso ng influenza-like illness ang naitala sa bansa mula Enero 1 hanggang Okt. 14, ayon sa Department of Health (DOH).
Mataas ito ng 46 porsiyento kumpara sa 108,065 kaso na naitala noong isang taon sa magkatulad na period.
Ayon sa DOH, pinakamataas na kaso ay naitala sa Davao region, 23,665 na sinundan naman ng Northern Mindanao na may 20,842 at Central Visayas na 20,160.
Samantala, nagbabala rin ang DOH na posibleng tumaas pa ang kaso nito ngayong papalapit ang holiday season.